Huwebes, Pebrero 23, 2012

Lolo Tony Loves me......

Me and my Lolo Tony

According to my Nanay Joy 9 months pa lang ako sa tummy everyday kasama nya si Lolo Tony ko mamalengke. Everyday naging routine na nila dalawa na pumunta ng palengke. Si lolo ang taga luto kaya siguro malaki ako ng isilang kasi sarap na sarap si Nanay ko sa mga niluluto ni Lolo. Twing hapon naglalakadlakad din silang dalawa preparation daw yun sa paglabas ko para may lakas si Inay. Minsan pang gabi si Tatay ko sa trabaho si Lolo ko ang di makatulog at kinakabahan baka daw biglang sumakit ang tyan ni nanay at lumabas ako ng walang kasama. he..he... si Lolo pa ang mas kabado kesa sa nanay at tatay ko na cool at relax lang. Nung nasa tyan daw ako ni nanay ko lagi nagkwekwento si Lolo ng mga experience nya kay Lola Paz ko nung buntis at nang manganganak kaya ganun na lang ang kaba nya.  Araw- araw daw pagkagising lagi sinasabi ni Lolo na apo "dungka na" he..he... ako na lang daw inaantay nya at uuwi na sya ng probinsya di daw sya makauwi uwi hanggang di nya ako nakikita siguro nanabik din syang makarga ako at kung sino kamukha ko si nanay joy ba o si tatay ric ko. he...he...



January 31,2012 (Tuesday) 7:00 am nagising si nanay at sinabi nya kay Lolo Tony na di sya makakasama mamalengke naku nataranta agad si Lolo nangunsumi sa nanay ko kasi ang dami pang ginawa bago umalis naglaba pa, nagligpit,nagkape at naligo tsaka pa lang pumunta ng hospital mag isa dahil pang gabi si Tatay ko sa trabaho. Habang naglalakad papunta sa sakayan ng taxi si Lolo daw ang di mapakali sabi ni nanay joy tanong ng tanong kung kaya nya pa at nag alala na baka sa taxi daw ako lumabas paano na lang daw kami. Hanggang sa pag abang ng taxi dahil medyo matagal sabi ni inay joy nakikita nya sa mukha ni Lolo Tony ko na pag alala at di mapakali ang kilos sinabihan lang sya ni inay joy na "Tatay pangamuyo lang di kami pabay-an ka Ginu-o". Nung makasakay na raw si Nanay joy sa Taxi at pauwi na rin si Lolo nagkada ligaw ligaw daw di nya alam saan sya dinadala ng mga paa nya at wala sa isip nya ang daan kundi sa amin ni Inay Joy ko nag-alala sa kalagayan namin. Hanggang sa mailabas ako tanong ng tanong daw si lolo sa tatay ko kung kamusta ako sa hospital pagdating ko ng bahay kinarga agad ako ni lolo at ang sabi nya ang laki ko daw. he...he..he... sa umaga sya ang taga gising sa nanay joy ko para mailabas ako at masikatan ng araw. Nagluuto din sya ng mga masabaw na ulam para daw dumami gatas ng nanay ko at di ako magutom ganun ako kamahal ni lolo. Kaya lang sa gabi di sya makatulog pag ako umiiyak nagigising sya at di na sya makatulog ulit di gaya ko pag ako nakadede na at busog tulog ulit ako. Bago pauwi ng Iloilo si lolo kinarga nya ulit ako sa pasko daw ulit dadalawin nya ako sabay daw kami maglalakad twing umaga at ipapasyal nya raw ako sa zoo. Lolo Tony maraming salamat sa iyong pag-alaga at pagmamaha mo sa akin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento